SAN PABLO CITY – Bilang makabuluhang paggunita sa ika-125 kaarawan ni Kapatid na Felix Y. Manalo, ang Iglesia Ni Cristo sa lunsod na ito ay magtataguyod ng isang Pamamahayag ng mga Salita ng Dios sa darating na Martes, Mayo 10, 2011 sa gusaling sambahan ng Lokal ng San Pablo City sa kahabaan ng Dr. Fernando A. Bautista Street sa Barangay IV-B na magsisimula sa ganap na ika-7:30 ng gabi.
Ang pamamahayag na ito ay ipinag-aanyayang daluhan ng lahat, upang masuri ang mga doktrina o aral na pinaniniwalaan ng mga kaanib ng Igleisa Ni Cristo na gugunitain ang kanilang ika-100 Anibersaryoo Sentenyal ng Pagkakatatag dito sa Pilipinas sa darating na Hulyo 27, 2014.
Hinihiling lamang sa mga maaanyayahang maging panauhin sa nabanggit na pamamahayag na dumalong may maayos na kasuutan, at mahigpit na ipinababawal ang paninigarilyo sa bakuran ng gusaling sambahan. (Ruben E. Taningco)
Comments
Post a Comment