San Pablo City- Nanungkulan bilang Deputy Warden, Chief Administrative Wardress, at Female Supervisor simula noong Setyembre 1, 2006 hanggang Abril 3, 2011 sa Bacoor Municipal Jail, si Jail/Inspector Marvi A. Diaz, ang bagong Wardress ng San Pablo City District Jail.
Si J/Insp Marvi Diaz ay ipinanganak noong Mayo 6, 1978 sa Talisay, Camarines Norte, at nagtapos ng Bachelor of Science in Business Administration sa Philippine Women’s University (PWU) nuong 2002. Ang post-graduate studies naman niya ay sa Philippine Christian University (PCU) para sa kursong Master in Management-Public Administration ngayong 2011.
Sa gulang pa lamang na 33 taong ay nakatanggap na si Insp. Diaz ng mga awards and commendations mula sa Municipal Government of Bacoorl, at mula sa Regional and National Directorate ng Bureau of Jail Management and Penology. Tumanggap siya ng Good Conduct Medal para sa walang naisampang anumang criminal or administrative case laban sa kanya sa loob ng 10 years of service, at Luzon Service Medal para sa tuloy-tuloy na serbisyo sa Isla ng Luzon sa loob ng mahigit na isang dekada..
Ang mga magagandang proyekto at programang kanyang naipatupad sa Bacoor Municipal Jail ay naging batayan upang tanggapin niya ang mga commendations, tulad ng para sa National & Local Election, Inmates Voters Informatiuon & Education, Introduction. & Implementation of Therapeutic Community Modality Program, Best Implementor Award, Jail Immersion Program, at OPLAN Bilangan, Dasalan sa Piitan at Gamutan sa Piitan. (CIO-San Pablo City)
Comments
Post a Comment