Kaugnay ng Kasalang Bayan sa Simbahan na itataguyod ng Parokya ni San Pablo, sa tulong ng Tanggapan ni Congresswoman Ma. Evita R. Aragon g Ika-3 Distrito ng Laguna, na gaganapin sa darating na Hunyo 30, 2011, araw ng Huwebes, ay pamuling nagpapaalaala si Bb. Lorie Garcia, project coordinator sa panig ng Tanggapan ni Congresswoman Arago, ang mgga katangian para mapasama sa mga ikakasal sa nabanggit na kasalan ay ang mga sumusunod:
(1) Ang ikakasal ay kinakailangan 25 taon pataas, at sila ay dapat magsubmit ng birth certificate, partida bautismo, confirmation certificate, at Certificate of Non-Marriage o CENOMAR;
(2) Kung nagsasama na ng mahigit sa limang taon, ang kinakailangan ay magdala ng birth certificate at partida de bautismo ng kanilang mga anak, at affidavit of premarital relationship; at
(3) Kung kasal na sa Huwes o Alkalde, ay magdala ng kopya ng kanilang marriage certificate.
Ang mga magpapakasal sa alin mang kalalagayang binabanggit ay dapat na may “certificate of indigency” mula sa sangguniang barangay kung saan sila naninirahan, payo pa ni Lorie Garcia.
Kung may mga katanungan ukol sa Kasalang Bayan sa Simbahan, si Lorie Garcia ay maaaring tawagan sa telepono bilang (049) 503-1472 o 09167728388. (Ruben E. Taningco)
Comments
Post a Comment