Skip to main content

PAGTATAAS NG TAX REVENUE COLLECTION PANGUNAHING TINALAKAY SA EN BANC HEARING

     San Pablo City – Nagsagawa sa unang pagkakataon ang mga miyembro ng Sangguniang Panglunsod sa pamumuno ni  Vice Mayor Angilita E. Yang kasama ang ilan sa mga pinuno ng iba’t-ibang departamento ng En Banc Committee Hearing noong nakaraang Martes, Marso 8 matapos ang weekly session.

     Pangunahing layunin ng isinagawang  En Banc hearing ang pagsasaayos at pagpapalakas ng tax revenue ng lunsod sa ikagaganda ng mga pangunahing serbisyo na pinagkakaloob ni Mayor Vicente B. Amante. Isa-isang hiningan ng report ang lahat ng mga pinuno ng departamento na tinuturing na “economic enterprise” ng lunsod upang mabigyang linaw ang nagiging kontribusyon ng mga ito sa taunang badyet ng pangasiwaang local..

     Isa sa mahalagang napagkasunduan ng komitiba ay ang agarang pagsusumite ng mga pinuno ng mga departamento ng written report gayundin ng kanilang mga rekomendasyon  upang lalo pang mapalakas ang tax collection ng lunsod sa Chairman ng Committee on Ways and Means na si Konsehal Eduardo O. Dizon. Malakas ang kumpiyansa ng mga miyembro ng SP na sa pamamagitan  ng mga isusumiteng rekomendasyon ay makakabuo sila ng mga angkop plano para sa mamamayan ng Lunsod sa pamamagitan ng isang   responsive and quality legislations.

     Ikinatuwa naman ni Mayor Vicente B. Amante ang inisyatibo ng mga miyembro ng Sangguniang Panglunsod na matulungan ang ehekutibong sangay na mapayabong ang mga serbisyong ibinibigay sa mamamayan ng Lunsod. Ayon rito maganda rin na makita ng taumbayan na may transparency upang mapanatili ang tiwala ng mga ito sa local na pamahalaan. (CIO-San Pablo City)


Comments

Popular posts from this blog

DOÑA LEONILA (MINI-FOREST) PARK

What is now known as Doña Leonila (Mini-Forest) Park overlooking the Sampaloc Lake is actually a portion of the site for the City Hall Complex purchased in 1937 by the Municipal Government of San Pablo headed by President Inocencio Barleta, which was partly developed after the termination of World War II under the administration of appointed City Mayor, Dr. Fernando A. Bautista. During the incumbency of elected Mayor Lauro D. Dizon Sr., with the help of the Rotary Club of San Pablo, and under the supervision of Dr. Juan B. Hernandez, then club secretary of the local Rotary Club and Chairman of the City Beautification Committee, constructed some park structures at the park, with the fountain featuring the country lass with agriculture harvest as centerpiece. Probably, Hernandez and then City Engineer Perfecto Reyes were inspired by the figures affixed on the façade of the City Hall Building which symbolizes progress. Sometimes on April of 1961 when then President Carlos Garcia made a...

FELICISIMO T. SAN LUIS, ANG ALAMAT NG LAGUNA

Si Abogado Felicisimo Tobias San Luis, na isinilang noong Hunyo 23, 1919, at lumaki sa Bayan ng Santa Cruz, ay nanungkulang Punonglalawigan ng Laguna simula noong Disyembre 30, 1955 hanggang sa siya ay papagpamahingahin noong Disyembre 18, 1992, o siya ay tuloy-tuloy na nanungkulan sa loob ng 36 taon, 11 buwan, at 18 araw, na kinikilala ng kasaysayan na siya ang natatanging lider na nanungkulan bilang punong tagapagpaganap ng isang lalawigan sa Pilipinas sa ganoong kahabang panahon.      Isang mabuting mananalumpati, nang ibaba ni Pangulong Ferdinand E. Marcos ang Martial Law o ng ipatupad ang Presidential Proclamation No. 1081 noong 1972, sila ni Alkalde Cesar P. Dizon ng Lunsod ng San Pablo noon, ang inatasan ng Pangulo ng Bansa na maglibot sa mga lalawigan ng bansa upang ipaunawa sa mga pinunong lokal   ang kahulugan ng Martial Law bilang isang proseso upang maitatag ang Bagong Lipunan na inaasahang magbibigay-daan upang makamit ang pambansang kaunlarang pa...

San Pablo City’s Hagdang Bato

             Nobody knew the number of steps it has:   when it was constructed and by whom,   until Mayor Vicente B. Amante asked his private secretary to actually count the number of steps and copy the wordings on the tablets affixed on the lower part of the park structure.             The Hagdang Bato (concrete stairway) leading to the Sampaloc Lake, which is now a famous local landmark, is now part of the logo or official seal of San Pablo, being the City of Seven Lakes.           It was constructed in November 1915 under the administration of municipal president Marcial Alimario, but many, including the youth and technical personnel of the local engineering office, simply look it for granted.  Nobody knew the number of steps it has, when it was constructed and by whom, until Mayor Vicente B. Amante asked his private secreta...