PAGSAILALIM SA ISANG MOA ON SCHOLARSHIP GRANTS NG DLSP HINILING NI MAYOR AMANTE SA SANGGUNIANG PANGLUNSOD
San Pablo City –Isinumite ng Tanggapan ng Punonglunsod sa Tanggapan ng Pangalawang Punonglunsod ang kahilingan ni Mayor Vicente B. Amante na sumailalim sa isang Memorandum of Agreement (MOA) ang Dalubhasaan ng Lunsod ng San Pablo na ini-represent ng Punonglunsod bilang tumatayong College President at Chairman of the Board of Trustees nito at ang BROADCHEM Corporation na represented naman ng Presidente at CEO nito na mag-asawang sina G. Jose C. Reano at Ma. Socorro G. Reano.
Nakapaloob sa naturang MOA ang scholarship grants na kumakatumbas sa semestral enrolment expenses kabilang na dito ang tuition fee at miscellaneous expenses para sa 20 estudyante ng naturang paaralan. Pagkakalooban rin ang kada mapipiling mag-aaral ng monthly allowance kasama na rito ang books expenses at living allowance para sa naturang taon.
Ikinatuwa naman ni Mayor Vicente B. Amante ang pagbahagi ng tulong ng mag-asawang Reano ng biyaya sa 20 deserving na mga kabataang San Pableno. Ayon rito sa pamamagitan ng naturang scholarship grant ay matutulungan na rin ang mga ito upang maging isang produktibong mamamayan na siya namang makakatulong upang maiangat ang antas ng ekonomiya hindi lamang ng lunsod kundi maging ng bansa.
Sa huli’y buong pagmamalaking sinabi ng Punonglunsod na ang mga mag-aaral ng DLSP sa pamamatnubay ng mga guro rito ay matamang hinahasa sa iba’t ibang larangan tulad ng Sciences. Katunayan ay madalas ang mga itong mag-uwi ng karangalan sa lunsod tuwinang pinapadala ang mga ito upang maging representative ng siyudad sa mga kompetisyon mapa-probinsya man ito, lokal o nasyunal. (CIO-San Pablo City)
Comments
Post a Comment