Sa pakikipanayam kay Assistant Vice President Orlando D. Iñigo Jr., ng PhilHealth-Region IV-A ng tagapag-ulat na ito, pagkatapos ng isang pagtitipon sa Calamba City, kanyang tiniyak na ang pananalapi ng korporasyon ay matatag, at katunayan nito, isinasaayos pa lamang ang mga pamamaraan o isinasagawa na ang “fine tuning” upang maipatupad ang pagdaragdag ng benepisyo para sa mga kasapi sa pamamagitan ng pagsasama sa 11 uri pa ng karamdaman at 11 pamamaraan ng pag-oopera (11 medical illness and 11 surgical procedures) upang matulungan ang marami na huwag gasinong maramdaman ang malaking gugulin sa pagpapagamot.
Ayon sa punong tagapagpakilos ng korporasyon na may hurisdiksyon sa mga Lalawigan ng Quezon, Laguna, at Cavite, sa isang pahayag na isinahimpapawid ng NET 25 kamakailan ni Dr. Rey B. Aquino, Pangulo ng Philippine Health Insurance Corporation, na ang mga bagong kaluwagan ay ipagkaloob na simula sa darating na Abril 1, 2011, na tinutukoy na “Standard rate of benefit payments for at least 22 illness.”
At upang ipadama ang pagiging bukas ng PhilHealth sa ano mang pagtatanong ng mga mamamayan, kasapi at hindi, nabanggit ni Assistant Vice President Orly Iñigo na ang korporasyon ay nagbukas ng sariling call center na siyang magiging tulay upang matanggap, at matutugunan ang ano mang pagtatanong, (Ruben E. Taningco)
Comments
Post a Comment