ALAMINOS, Laguna – Umaalinsunod sa Development Strategy for Laguna (DSL) na binalangkas ng Tanggapan ni Provincial Administrator Dennis “DSL” S. Lazaro sa tagubilin ni Gobernadora Teresita S. Lazaro, ang pangasiwaang panglalawigan sa koordinasyon ng tanggapan ni Provincial Agriculturist Marlon P. Tobias, ang pangasiwaang panglalawigan ay namahagi ng organic fertilizer, at ng soil conditioner sa mga magtatanim ng pinya sa Barangay San Agustin, San Benito, Del Carmen, San Juan, at San Ildefonso upang ganap na mapasigla ang industriya ng paghahalaman sa bayang ito na isinusulong ni Mayor Eladio M. Magampon.
Sa seremonya ng pamamahagi na ginanap sa Barangay San Agustin sa pagtangkilik ni Punong Barangay Rustico D. Danta, sa Barangay San Agustin lamang ay nakapamahagi ng 210 sako ng organic fertilizer at 70 sako ng soil conditioner sa 70 maghahalaman, na ang nakararami ay magtatanim ng pinya.
Iniulat ni Danta na bago isinagawa ang pamamahagi ng abono at soil conditioner, ang biniyayaang magtatanim ay pinaalalahanan ni Provincial Agriculturist Marlon P. Tobias ukol sa wastong paggamit ng soil conditioner, at ng organic fertilizer, at maging sa tamang oras ng pagdidilig ng mga punla kung kakailanganin.
Ipinadama ni Tobias na ang layunin nina Gobernadora Ningning Lazaro at Provincial Administrator Dennis Lazaro na maipagpatuloy ang kasiglahan ng paghahalaman sa bayang ito, sapagka’t ang masiglang paghahalaman ay malaki ang maitutulong upang mabawasan ang masamang epekto ng El Niño Phenomenon sa kapaligiran.
Magugunitang pagkaupo ni Mayor Eladio Magampon noong 2007, si Provincial Administrator ay nagpadala kaagad ng mahigit sa 30 chemical sprayer at mga rat control devices bilang tulong sa Palatuntunang Taniman sa Barangay na sinimulang ipatupad nina Congresswoman Ma. Evita R. Arago at Dr. Magampon. Na isa naming magandang pagkakataon, na sa kaugnay na paligsahan sa paghahalaman, ay laging ang Sangguniang Barangay ng San Agustin ang nagwawagi ng unang gantimpala na mga paggawaing pambarangay. (Ruben E. Taningco)
Comments
Post a Comment