Sa nakaraang pulong ng Pastoral Council for Responsible Voting ng Diyosesis ng San Pablo, na ginanap sa Liceo de San Pablo Gymnasium noong Sabado ng hapon sapamamatnugot ni Fr. Eugene Fadul, tagapangulo ng PPCRV sa diyosesi, iniulat ni OIC City Election Officer Patrick H. Arbilo na kaniya nang napulong ang lahat ng kandidatong naghahangad ng tungkulin dito sa Lunsod ng San Pablo upang kanila ng kusang tanggalin o alisin ang lahat ng pre-campaign period materials, tulad ng mga tarpaulin at poster na nasa labas ng mga itinalagang poster area ng Commission on Elections.bago maghatinggabi ng Lunes, Marso 22, 2010 o tatlong araw bago magsimula ang panahon ng kampanyahan o campaign period sa Marso 26.na araw ng Biyernes.
Ipinaalaala na rin ni Arbilo na kung sa pribadong gusali o bakuran maglalagay ng poster at tarpaulin, dapat na ito ay sa kapahintulutan ng may-ari ng gusali o bakuran, bagama’t nananatiling ito ay hindi lalaki sa itinakdang sukat ng komisyon.
Umiiral pa rin ang isang Presidential Decree na dapat iwasan ng mga tauhan ng mga pulitikong nagkakabit ng campaign materials na kabitan ng mga streamer, tinplates, at tarpaulin sa pamamagitan ng pako, at pagpuputol sa mga sanga nito. Sapagka’t ang bawa’t nabubuhay na puno sa pamayanan ay dapat na pangalagaan, at mapagsikapang magawa itong mayabong sa loob ng isang buong taon, upang makatulong na maging mabagal ang pagtaas ng temperatura ng kapaligiran, at makatulong na rin na mapangalagaan ang panustos na inuming tubig sa pamayanan. (Ruben E. Taningco)
Comments
Post a Comment