Skip to main content

MANNY “PACMAN” PACQUIAO MULING NAPAGKAISA ANG MGA SAN PABLENO

San Pablo City – Muling nasaksihan ang pagkakaisa ng mga San Pableno ng sama-samang manood ng pinakahihintay na “The Event” sa Amante Gymnasium ng San Pablo Central School  noong nakaraang Linggo, Marso 14.  Malakas ang naging palakpakan at hiyawan ng mga fans ni Manny “Pacman” Pacquiao nang sa wakas ay ipinakita na sa widescreen ang “Pambansang Kamao” matapos ang matagal tagal ding paghihintay ng lahat. Animo’y nabuhayan ng dugo ang lahat ng masaksihan ang pagpasok ng inaabangang “Athlete of the Year” at idolo ng lahat na si Pacman.

     Ganado ang lahat ng sa unang round pa lang ay nagpakita na agad ang Pambansang Kamao ng kanyang bagsik sa loob ng ring laban kay Joshua “The Grandmaster” Clottey sa Arlington Cowboy Stadium, Dallas, Texas. Nadismaya naman ang mga fans sa  tila pagpapakita ni Clottey ng kaduwagan sa buong laro dahil sa pagsangga nito sa kanyang mukha sa buong laban.

     Malakas namang tawanan ang narinig sa buong gymnasium ng  tila ay magpakita ng pagkapikon si Pacman sa ginagawang depensa ng kalaban ng ito’y kanyang pompyangin sa magkabilang tenga sa Round 4 ng laro. Pumabor naman ang tatlong hurado kay Pacquiao via unanimous decision na umamin namang mahirap na kalaban si Clottey.

     Ang libreng palabas ay sama-samang handog nina Congresswoman Ivy Arago, Mayor Vicente B. Amante, at Konsehala Angie Yang. May tulong ding ipinagkaloob si Provincial Administrator Dennis S. Lazaro  Ito ay sa pagnanais na mabigyan ng inspirasyon ang lahat sa tinatamong tagumpay ng tinaguriang “Pound for Pound King” sa buong mundo na si Manny “Pacman” Pacquiao. (CIO-San Pablo City)

Comments

Popular posts from this blog

DOÑA LEONILA (MINI-FOREST) PARK

What is now known as Doña Leonila (Mini-Forest) Park overlooking the Sampaloc Lake is actually a portion of the site for the City Hall Complex purchased in 1937 by the Municipal Government of San Pablo headed by President Inocencio Barleta, which was partly developed after the termination of World War II under the administration of appointed City Mayor, Dr. Fernando A. Bautista. During the incumbency of elected Mayor Lauro D. Dizon Sr., with the help of the Rotary Club of San Pablo, and under the supervision of Dr. Juan B. Hernandez, then club secretary of the local Rotary Club and Chairman of the City Beautification Committee, constructed some park structures at the park, with the fountain featuring the country lass with agriculture harvest as centerpiece. Probably, Hernandez and then City Engineer Perfecto Reyes were inspired by the figures affixed on the façade of the City Hall Building which symbolizes progress. Sometimes on April of 1961 when then President Carlos Garcia made a

FELICISIMO T. SAN LUIS, ANG ALAMAT NG LAGUNA

Si Abogado Felicisimo Tobias San Luis, na isinilang noong Hunyo 23, 1919, at lumaki sa Bayan ng Santa Cruz, ay nanungkulang Punonglalawigan ng Laguna simula noong Disyembre 30, 1955 hanggang sa siya ay papagpamahingahin noong Disyembre 18, 1992, o siya ay tuloy-tuloy na nanungkulan sa loob ng 36 taon, 11 buwan, at 18 araw, na kinikilala ng kasaysayan na siya ang natatanging lider na nanungkulan bilang punong tagapagpaganap ng isang lalawigan sa Pilipinas sa ganoong kahabang panahon.      Isang mabuting mananalumpati, nang ibaba ni Pangulong Ferdinand E. Marcos ang Martial Law o ng ipatupad ang Presidential Proclamation No. 1081 noong 1972, sila ni Alkalde Cesar P. Dizon ng Lunsod ng San Pablo noon, ang inatasan ng Pangulo ng Bansa na maglibot sa mga lalawigan ng bansa upang ipaunawa sa mga pinunong lokal   ang kahulugan ng Martial Law bilang isang proseso upang maitatag ang Bagong Lipunan na inaasahang magbibigay-daan upang makamit ang pambansang kaunlarang pangkabuhayan at umiral an

BARBARA JEAN APOSTOL A San Pableña
Passed the BAR Examination in the State of New York, U. S. A.

Miss Philippines-USA 2004-2005, Barbara Jean Chumacera Apostol, 27, passed the New York State’s examination for admission to the BAR given on July 24-25, 2007 . She attained her law degree at Hofstra University School of Law in the State of New York where she graduated with honors last May 20, 2007 . At Hofstra Law School , Barbara was the Vice President of the Asian Pacific American Law Students Association and was appointed to the position of Diversity Affairs Coordinator by the president of the Student Bar Association. Ms. Apostol was a 2002 cum luade graduate of Boston College, one of the oldest Jesuit University in the United States with campus in Chestbut Hill, Massachusetts, where she majored in pre-law and communication studies. Incidentally, she completed her elementary and secondary education at Sachem High School in Lake Ronkonkoma, NY. Barbara Jean is a daughter of Antonio Apostol and former Abecinia “Baisy” Chumacera of Barangay San Francisco, San Pablo Ci