Umaalinsunod sa Development Strategy for Laguna (DSL) na binalangkas ng pangasiwaang panglalawigan,iniulat ni Provincial Agriculturist Marlon P. Tobias na kapakipakinabang ang pagpaparami ng katutubong manok o native chicken. May mga lugar na tinatawag din itong “Manok Batangas.”
Ang katutubong manok ay dapat paramihin hindi lamang dahil sa ito ay mataas ang halaga sa pamilihan, kund para mapagkunan ng protina at itlog para sa mag-anak, paalaala pa ni Tobias.
May mga ulat na sa pag-aaral ng University of the Philippines at Los BaÑos (UPLB), tinatayang 54.70 porsyento ng manok sa bansa na kinakain ng mga mamamayan ay katutubo o native na pinalaki sa mga likod bahay, lalo na sa Visayas at Mindanao.
Napag-alaman pa na maraming Pilipino na higit na nais lutuin ang katutubong manok kaysa mga manok na pinalaki sa mga commercial poultry houses, dahil sa lasa, linamnam ng laman, kulay, at nakatutugon sa pamantayan ng lutuing Pinoy. Higit pa umanong mataas ang halaga ng bawa’t kilo ng katutubong manok kaysa pinalaki sa poultry house.
Ayon kay Tobias, madaling paramihin ang katutubong manok dahil sa ito ay paligaw at nakakapaghanap ng kanilang sariling pagkain mula sa kapaligiran na ito ang dahil sa pagkakaroon nito ng natatanging lasa, na kung pinatutuka man ng giniling na mais o ginayat na laman ng niyog, ay para lamang ito maging maamo at masanay na babalik sa kanilang “hapunan” na karaniwan ay mga puno sa likod ng bahay. Sa maraming kanayunan sa bansa, ay karaniwang puno ng aratiles ang ginagawang “hapunan” ng alaga nilang paligaw na manok.
Sa pag-aaral sa UPLB, napag-alamang ang katutubong manok ay nagsisimulang mangitlog sa gulang na anim (6) buwan, at dapat ay mayroong isang tandang sa bawa’t lima hanggang sampong inahing manok upang magawang regular ang pangingitlog nito, paalaala pa ni Tobias. (Ruben E, Taningco)
We have a stable supply of native chicken. We can supply in volume weekly. For interested buyers, pls. contact +639177188812.
ReplyDelete