Skip to main content

NAPANGANGALAGAANG DANGAL NG LAGUNA

Ang bawa’t binabalangkas na palatuntunan ay matamang pinag-aaralan ni Gobernadora Ningning Lazaro


STA. CRUZ, Laguna - Sa kalakaran, pangunahing layunin ng isang yunit ng pamahalaang lokal, saan mang panig ng daigdig, na maipagkaloob sa kaniyang mamamayan ang maayos, patuluyan, at maaasahang paglilingkod na pangkalusugan, panglipunan, at pangkapayapaan o pangkapanatagan, nqa kung isasaalang-alang ang bilang ng gawad o pagkilalang tinanggap ng Pangasiwaang Panglalawigan ng Laguna sa pamamatnubay ni Gobernadora Teresita S. Lazaro, ay taas-noo ang kasalukuyang punonglalawigan na masasabi sa lipunang kanyang pinangungunahan na ganap niyang nagagampanan ang kanyang sinumpaang tungkulin at pananagutan sa nakalipas na mahigit na siyam (9) taon.

Sa pakikipanayam ng pahayagang ito, sinabi ni Gobernadora Ningning Lazaro na hindi siya nangakong siya ay magiging malinis at matapat sa tungkulin, sapagka’t ito ay kasama sa pananagutang tinatanggap ng sino mang pinunong halal sa kanyang panunumpa sa pagsisimula ng kaniyang panunungkulan, at ang mga gawad o parangal na kanyang tinanggap ay masasabing “rating” o markang ipinagkaloob ng mga mamamayan sa pamamagitan ng mga sadyang itinalagang institusyon ukol dito sa mga nagawa ng kanyang pangasiwaan sa taong 2009..

Ang mga pangunahing gawad o pagkilalang tinanggap ni Gobernadora Teresita S. Lazaro para sa Taong 2009 ay ang mga sumusunod:

1. Ang “Hall of Fame Award” sa dahil sa taon-taong pagiging una sa implementasyon ng mga palatuntunan sa nutrisyon na ipinagkaloob ng ganapin ang 62nd Philippine Association of Nutrition (PAN) Annual Convention na ginanap sa Legend Hotel sa Waterfront Road sa Subic Bay Freeport Zone sa Zambales;

2. Ang “Outstanding Governor of the Philippines Award in the Field of Social Welfare and Development” na ipinagkaloob ng Association of the Local Social Welfare and Development Officers of the Philippines, Inc. (ALSWDOPI) na itinampok sa 13th National Social Welfare and Development Forum ng samahan, na ang tagapayo ay ang Secretary of Social Welfare and Development, na ginanap sa Fiesta Pavilion ng Manila Hoterl noong Agosto 26, 2009;

3, Noong Oktubre 19, 2009 ay tinanggap ni Gobernadora Teresita S. Lazaro ang simbolo ng isang kinikilalang dakilang parangal mula sa Department of Tourism na kumikilala sa Anilag Festival sa tatlong sunod-sunod na taon bilang “Country’s Best Tourism Event in the Provincial Category”. Ang Ani ng Laguna (ANILAG) ay kinikilalang “Laguna’s Mother of All Festivals” at nagpapatunay na ang Laguna ay pangunahing lalawigan sa pag-alinsunod sa itinatagubilin ng National Commission for Culture and the Arts sa ilalim ng Tanggapan ng Pangulo na nilikha ng
Batas Republika Bilang 7356 na napagtibay noong Abril 3, 1992;

4.Noong nakaraang Buwan ng Hunyo, si Gobernadora Ningning Lazaro ay tumanggap ng tanging gawad mula sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) dahil sa Enrollment of Indigents under the Sponsored Program na pinakinabangan ng mga sadyang mahihirap
na pamilya sa buong lalawigan;

5. Isa pa ring gawad mula sa Philippine Health Insurance Corporation ang tinanggap ni Gobernadora Ningning Lazaro dahil sa pagkakaloob niya ng Social Health Protection sa lahat ng mahihirap at sadyang nangangailangan niyang mga kalalawigan sa pamamagitan ng
malawakang pagpapatupad ng Enrollment Under The National Health Insurance Program” o Ang Pambansang Palatuntunan sa Kaseguruhang Pangkalusugan;

6. Nang ipagdiwang ng Crime Laboratory of the Philippine National Police ang kanilang ika-64 taon ng pagkakatatag noong Mayo 25, 2009, si Gobernadora Ningning Lazaro ay tumanggap ng Special Award o Tanging Gawad bilang pagkilala sa naitulong ng Pangasiwaang Panglalawigan sa kaunlaran ng nabanggit na laboratoryo na malaki ang naitutulong sa
ikalulutas ng maraming karumaldumal na krimen;

7. Sa ilalim ng isang palatuntunan ng Department of Health. Si Gobermadora Ningning Lazaro ay tumanggap ng Regional Sandugo Award 2009 bilang Isang Outstanding Local Government Executive in DoH-Region IV-A na Ipinagkalaoob noong Hulyo 20, 2009 sa One Sxplanade of SM Mall of Asia sa Pasay City;

8. Nang ganapin ang 28th Biennial Convention Aims for Modernization ng Philippine National Red Cross sa Manila Hotel noong Disyembre 15-16, 2009, si Gobernadora Ningning Lazaro ay pinagkalooban ng “Silver Service Cross Award ni PNRC Chairman Richard Gordon. Ang nabanggit na gawad ay isa sa pinakamataas na pagkilala at Pagpapahalaga na ipinagkakaloob ng PNRC. at

9. Noong Disyembre 10, 2009, sa isang palatuntunang ginanap sa Malacañangm si Gobernadora Ningning Lazaro ay tinanggap mula kay Pangulong Gloria Macapagal Arroyo ang Gawad Sa Kampeon ng Kabataang Pilipino 2009, dahil sa pagbalangkas at
pgpapatupad ng mga makabuluhang palatuntunan para sa kaunlaran ng kabataan sa Laguna. (Ruben E. Taningco)

Comments

Popular posts from this blog

DOÑA LEONILA (MINI-FOREST) PARK

What is now known as Doña Leonila (Mini-Forest) Park overlooking the Sampaloc Lake is actually a portion of the site for the City Hall Complex purchased in 1937 by the Municipal Government of San Pablo headed by President Inocencio Barleta, which was partly developed after the termination of World War II under the administration of appointed City Mayor, Dr. Fernando A. Bautista. During the incumbency of elected Mayor Lauro D. Dizon Sr., with the help of the Rotary Club of San Pablo, and under the supervision of Dr. Juan B. Hernandez, then club secretary of the local Rotary Club and Chairman of the City Beautification Committee, constructed some park structures at the park, with the fountain featuring the country lass with agriculture harvest as centerpiece. Probably, Hernandez and then City Engineer Perfecto Reyes were inspired by the figures affixed on the façade of the City Hall Building which symbolizes progress. Sometimes on April of 1961 when then President Carlos Garcia made a...

FELICISIMO T. SAN LUIS, ANG ALAMAT NG LAGUNA

Si Abogado Felicisimo Tobias San Luis, na isinilang noong Hunyo 23, 1919, at lumaki sa Bayan ng Santa Cruz, ay nanungkulang Punonglalawigan ng Laguna simula noong Disyembre 30, 1955 hanggang sa siya ay papagpamahingahin noong Disyembre 18, 1992, o siya ay tuloy-tuloy na nanungkulan sa loob ng 36 taon, 11 buwan, at 18 araw, na kinikilala ng kasaysayan na siya ang natatanging lider na nanungkulan bilang punong tagapagpaganap ng isang lalawigan sa Pilipinas sa ganoong kahabang panahon.      Isang mabuting mananalumpati, nang ibaba ni Pangulong Ferdinand E. Marcos ang Martial Law o ng ipatupad ang Presidential Proclamation No. 1081 noong 1972, sila ni Alkalde Cesar P. Dizon ng Lunsod ng San Pablo noon, ang inatasan ng Pangulo ng Bansa na maglibot sa mga lalawigan ng bansa upang ipaunawa sa mga pinunong lokal   ang kahulugan ng Martial Law bilang isang proseso upang maitatag ang Bagong Lipunan na inaasahang magbibigay-daan upang makamit ang pambansang kaunlarang pa...

San Pablo City’s Hagdang Bato

             Nobody knew the number of steps it has:   when it was constructed and by whom,   until Mayor Vicente B. Amante asked his private secretary to actually count the number of steps and copy the wordings on the tablets affixed on the lower part of the park structure.             The Hagdang Bato (concrete stairway) leading to the Sampaloc Lake, which is now a famous local landmark, is now part of the logo or official seal of San Pablo, being the City of Seven Lakes.           It was constructed in November 1915 under the administration of municipal president Marcial Alimario, but many, including the youth and technical personnel of the local engineering office, simply look it for granted.  Nobody knew the number of steps it has, when it was constructed and by whom, until Mayor Vicente B. Amante asked his private secreta...