SAN PABLO CITY – Inaanyayahan ni City Administrator Loreto S. Amante, bilang manager ng City People’s Employment Services Office (PESO) ang lahat ng may sapat na katangian na interesadong maglingkod sa bubuksang SM-San Pablo City Department Store na lumahok sa SM Job Fest na gaganapin sa darating na Marso 11 at 12, 2010 sa PAMANA Hall o City Government Covered Court sa City Hall Complex, simula sa ika-9:00 ng umaga hanggang ika-3:00 ng hapon.
Ang iaalok na mga posisyon ay may-uring department manager, technical staff officer, at supervisory functions, sang-ayon pa kay Amante. Kaya ang mga interesadong lumahok ay dapat na dumalong may maayos na kasuutan, at magdala ng comprehensive resume, kalakip ang dalawang (2) kopya ng 2”x2” colored photograph na puti ang background, photo copy ng transcript of records and diploma (pero dalahin din ang original copy for verification), Social Security System Number, at kung maaari ay magdala na rin ng printout ng SSS Employment History.
Para sa karagdagan ukol sa pagkakataong makapaglingkod sa SM-San Pablo City, ay maaaring tumawag kay Bb. Melinda P. Boindad sa City Information Office sa 3rd Floor ng 8-Storey Building, o tumawag sa telepono bilang (02) 562-3086. (Ruben E. Taningco)
Comments
Post a Comment