San Pablo City – Hinikayat ni Bb. Elsa M. Barcelona, Supervising Administrative Officer ng San Pablo City General Hospital noong March 15 sa isinagawang Flag Raising Ceremony ang lahat ng may angking talino sa paglikha ay kanyang inaanayahang makilahok sa Logo Making Contest na magsisilbing corporate seal ng pagamutan. Magsisimula ang pagtanggap ng mga entries mula Marso 15 hanggang 30, 2010 sa tanggapan ng Supervising Officer ng San Pablo City General Hospital o di kaya’y isumite sa Pinuno ng iba’t-Tanggapan ng Pamahalang Lokal.
Ang lahat ng entry ay maaring gawang kamay o di kaya’y ginawa sa computer na may sukat na 5 inches in diameter at nakasentro sa isang puting A4 bond paper (landscape format). Kinakailangan din ang naturang logo ay mayroong kulay na berde (green) sapagkat ito ang opisyal na kulay ng naturang ospital. Ang lahat ng mga kalahok ay kinakailangan magsumite ng 2 kopya ng kanilang likha, ang isa orihinal na kopya at ang isa ay i-exhibit sa One Stop Processing Center upang magkaroon ng pagkakataon ang lahat na ito’y makita at masuri.
Inaasahang ang lahat ng kalahok ay ikukunsidera ang mission and vision ng kabubukas na ospital sa paggawa ng naturang logo. Ang criteria para sa patimpalak ay Originality 40%, Symbolism (significance) 40% at Over-all Impact of Design 20%.
Ang mga hurado sa pangunguna ni Mayor Vicente B. Amante Ph.D.(Honoris Causa) at mga miyembro ng SPC General Hospital ay pipili ng 5 finalists sa Abril 5, 2010 at idi-display sa One Stop Processing Center sa loob ng 3 araw. Ang final judging ay isasagawa naman sa Abril 8, 2010 San Pablo City General Hospital. Ang lahat ng mapipili ay pararangalan sa Abril 12, 2010 sa isasagawang Flag Raising Ceremony sa One Stop Processing Center.
Ang mananalo ay makakatanggap ng Php 5,000.00 cash prize mula kay City Adminitrator Loreto S. Amante, dinner for 5 sa Palmeras Garden restaurant handog naman ni Mayor Vicente B. Amante. Ang Office of the Secretary to the Mayor ay magpapagawa naman ng isang tarpaulin kung saan ay ilalagay ang larawan ng nagwagi. Samantalang ang 5 mapapasama sa finalists ay makakatanggap ng cash gift at certificate mula naman sa Association of City Gov’t Dept. Heads and Asst. Dept. Heads. Ang lahat naman ng mga entries ay makakatanggap ng certificate of participation at token of appreciation mula sa Administrative Office ng SPCGH. Para sa karagdagang impormasyon ay maaring tumawag o mag text sa numerong 0916-7327136 at hanapin si Bb. Elsa M. Barcelona. (CIO-San Pablo City)
Comments
Post a Comment