Nabatid sa isang ulat mula sa Samal City sa Davao Oriental na ang pagtatanim ng saging sa mga pataniman ng niyog ay makatutulong sa pagsugpo sa paninira ng brontispa longossima, ang maliliit na insektong may uring salagubang na lumalaganap na peste sa niyog, dahil sa ang earwig, isang ring uri ng insekto na kumakain ng brontispa, ay mabilis dumami at nabubuhay sa mga puno ng saging. Sang-ayon kay Pangulong Danilo Coronacion ng Coconut Industry Investment Fund – Oil Mills Group (CIIF-OMG), inilunsad sa Island Garden City of Samal (IGACOS) ang “Palatuntunang Kasagingan sa Kaniyugan”, isang banana- coconut intercropping project, sa pagtutulungan ng Department of Agriculture-High Value Commercial Crops Program (DA-HVCC) at ng Local Government Unit of IGACOS. Dito sa Laguna, ang Philippine Coconut Authority (PCA) ay may katulad na palatuntunan o intercropping program, lamang ay iba’t ibang halaman ang iminumunkahing itanim ayon kay Provincial Coconut Development Manager Lani